Ano ang Kontemporaryong Isyu?

Ating pag-uusapan sa araw na ito ay ang kahulugan ng Kontemporaryong Isyu pati na rin ang mga halimbawa nito. Tara at sabay sabay na naman tayong matuto.

Kontemporaryong Isyu

Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao.

Ngunit ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin. Kabilang din ang mga napag-usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang ngayon.

Ang Kontemporaryong Isyu ay maaaring pang lipunan, pang kalusugan, pang kapaligiran, Pangkalakalan at marami pang saklaw.

Kontemporaryong isyung Pang Lipunan

Halimbawa ng ito ay mga sumusunod:

HALALAN

TERORISMO

RASISMO

Kontemporaryong isyung pangkalusugan

 Halimbawa nito ay:

SOBRANG KATABAAN

KANSER

HIV/AIDS

DRUG ADDICTION

Kontemporaryong isyung pang kapaligiran

Mga Halimbawa nito ay:

GLOBAL WARMING

EARTHQUAKE

TYPHOON

POLUTION

Kontemporaryong isyung Pangkalakalan

EXPORT/IMPORT

ONLINE SHOPPING

FREE TRADE

SAMAHANG PANGDAIGDIGAN

Kahalagahan Para sa Mag-aaral ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig

• Nalilinang ang kritikal na pag-iisip

• Naiuugnay ang sarili sa isyu

• Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu

• Nahahasa ang iba’t ibang kasanayan at pagpapahalaga