Lathalain

– Sa paksang ito, ating pag aralan ang tungkol sa Lathalain. Pag uusapan natin ang mga karagdagang impormasyon gaya ng kahulugan, mga uri at ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’t palawakin natin ang ating mga kaisipan ukol dito. Simulan na natin!

Ano nga ba ito?

– Ito ay isang akda na naglalayon na magpayo, magbigay ng aral, magturo, mang-aliw o maglahad ng katotohanan batay sa karanasan, pagmamasid, pananaliksik, pag-aaral o pakikipanayam.Ito ay tumatalakay sa mga kawili-wiling bagay na batay sa pangkatauhang kawilihan (nakakawili at nagkakaroon tayo ng koneksyon dahil nasasalamin dito ang sarili nating buhay).  

URI NG LATHALAIN

1. Lathalaing Pabalita (News Feature)

– Ang lathalaing ito ay batay sa isang balitang nakapupukaw ng damdamin. Pinalalawak sa uring ito ang bahagi ng balita na ang mga pangyayari ay di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha na nakapagbibigay ng kaalaman at kawiwiwlihan sa mambabasa.

2. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature)

– Ang pinapaksa sa uring ito ay ang kasaysayan ng tao, bagay, o lunan.

3. Lathalaing Interbyu (Interview Feature)

– Ang pinapaksa dito ay ang kuru-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.

4. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature)

– Naglalahad ng kapani-pakinabang na ulat, naghahatid ng kaalaman at karunungan na may layuning magturo.

5. Lathalaing Pangkatauhan (Personality or Character Feature)

– Inilalarawan dito ang mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay.

6. Lathalaing Pangkaranasan (Adventure Feature)

– Ang lathalaing ito ay nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ibang tao ayon sa pagkakasalaysay.

LAYUNIN NG LATHALAIN

  1. Magbatid
  2. Magturo
  3. Magpayo
  4. Manlibang

HALIMBAWA:

(Credits to the rightful owners)