Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Mga Elemento ng Tula
Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.
- Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan.
- Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“.
- May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
- Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.
2. Kariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata. Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.
4. Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.
Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya – couplet
3 linya – tercet
4 linya – quatrain
5 linya – quintet
6 linya – sestet
7 linya – septet
8 linya – octave
Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.
5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.
Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
○ Tayutay – paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula
7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Mga Uri ng Tugma
1. Hindi buong rima (assonance) – paraan ng pagtutugma ng tunog na kung
saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a.
a a i
a i a
a i i
2. Kaanyuan (consonance) – paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Mga Uri ng Tula
Ang tula ay may apat (4) na uri. Ito ay ang sumusunod:
1. Tulang Liriko
Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula kung saan itinatampok ng isang makata ng kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Puno ito ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at iba pa. Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat upang maipahayag ang damdamin ng manunulat. Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco Baltazar.
2. Tulang pandulaan
Ang tulang pandulaan ay karaniwang itinatanghal sa mga entablado at ang mga linyang binibigkas ng bawat karakter ay patula. Ito ay naglalarawan ng mga tagpong lubhang madula na maaring makatulad, makaparehas, o maiba sa nagaganap sa pang araw-araw na buhay.
3. Tulang pasalaysay
Ito ay nagsasalaysay o naglalarawan ng makulay at mahahalagang pangyayari sa buhay na matatagpuan sa mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento. Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Ibong Adarna ni Jose dela Cruz o mas kilala sa tawag na “Hoseng Sisiw”.
4. Tulang patnigan
Ang tulang patnigan ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula na tagisan ng talino at katuwiran ng mga makata. Karaniwan itong tinatawag na balagtasan kapag itinatanghal sa entablado.
Comments are closed.