– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Neokolonyalismo. Sabay sabay nating palawakin ang ating kaalaman ukol sa paksang ito. Tara na’t simulan na natin!
Ano nga ba ito?
– Ito ay tumutokoy sa bagong anyo ng kolonyalismo na walang direktang pananakop na nagaganap. Sa halip, ito ay dinadaan sa mga polisiya, politika, ekonomiya, at iba pa. Pinipilit impluwensyahan ang mga mahihinang bansa, Pinanghihimasukan din ang pamamahala sa mga maliliit na bansa para sa kapakinabangan ng malalaking bansa.