– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang usapin kung paano nga ba naiiba ang balagtasan sa mga kauri nitong akdang pampanitikan. Tara na’t simulan na natin!
Bago natin pag usapan kung paano ito naiiba, atin munang balikan ang kahulugan ng Balagtasan
Ano nga ba ito?
– Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang panig sa isang paksa kung saan ay patalinuhan ng pagpapahayag ng panig sa patulang pamamaraan.
Paano nga ba ito naiiba sa mga kauri nitong akdang pampanitikan?
– Ito ay naiiba sapagkat ang mga nagtatanghal ng balagtasan ay binubuo ng tagapamagitan, at dalawang panig na nagtatalo hinggil sa isang paksang pinag-uusapan.
Sa huli ang desisyon o nais paniwalaan ng mga taga-panood ang siyang mananaig. Kung ikukumpara sa ibang akdang pampanitikan, ang akdang tulad ng tula ay itinatanghal ng iisang tao lamang na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, at karanasan na isinaayos sa paraang patula upang maging maganda ang bigkas ng bawat salita na kaiba sa pamamaraan ng balagtasan.