– Sa paksang ito, ating talakayin ang pagkakaiba ng Pagsulong sa Pag-unlad. Tara na’t palawakin ang ating kaisipan ukol sa paksang ito. Simulan na natin!
Bago tayo tumungo sa kanilang pagkakaiba, atin munang talakayin ang kahulugan ng dalawang ito.
Ano nga ba ang Pagsulong?
– Ang pagsulong o “growth” sa Ingles ay resulta ng isang prosesong nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya na madaling masukat.
Ano nga ba ang Pag-unlad?
– Ang pag-unlad o “development” sa Ingles ay sumasaklaw sa katarungan, dignidad, seguridad at pagkapantay-pantay ng mga tao. Ito ay kabuuang proseso kung saan may pagbabago sa estruktura ng lipunan — kabilang na dito ang ekonomiya, kultura at pulitika.
Ano ang kanilang pagkakaiba?
– Ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad ay nakadepende sa konteksto. Sa unang tingin waring parehas lang ang kahulugan. Ang pagsulong o growth ay tumutukoy sa proseso ng pagbabago sa ekonomiya. Ang proseso ng pagsulong ay mabilis masukat. Samantala ang pag-unlad o development ay tumutukoy naman sa kabuuang pagbabago. Kasama nito ang pag-unlad ng ekonomiya, politika at kultura.