WIKA AT DIYALEKTO -Ano nga ba ang kanilang pinagkaiba? Ating tatalakayin sa paksang ito upang lubusan nating maintindihan.
May mga nalilito sa dalawang salita na ito. Minsan naman ay mali ang pagkakagamit sa mga ito sa pag aakalang magkapareho ang kanilang kahulugan.
Wika
Ang Wika ay kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.
Ito ay organisadong pagbuo ng tunog o pangungusap.
Diyalekto
Samantala ang diyalekto ay sangay ng wika. Ito ay masasabi nating mga barayti ng Wika. Napakaraming wika ang ginagamit sa Pilipinas dahil na rin sa pagkawatak watak ng mga isla. Ang diyalekto ay sanga lamang ng wika.
Ito ay isang partikular na anyo ng isang wika na kakaiba sa isang partikular na rehiyon o pangkat panlipunan. Ito ang nagpapakita ng pagkakaiba ng dalawang wika batay sa pagkakagamit nito sa isang lugar.