– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang ilan sa mga halimbawa ng Pagwawangis. Tara na’t ating palawakin ang ating mga isipan patungkol sa paksang ito. Simulan na natin!
Bago tayo magtungo sa mga halimbawa, atin munang balikan kung ano nga ba ang Pagwawangis
Ano nga ba ito?
– Ang pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ngisang bagay sa bagay na ihihahambing.
Halimbawa:
- Ang kanyang nga pisngi ay mansanas.
- Siya ay anghel.
- Mata niya ay mga tala sa kalangitan.
- Ang kanilang bahay ay palasyo
- Ako ay agila
- Ikaw ay bulaklak