Ang salitang PARABULA ay buhat sa salitang Griyego na “parabole”. Ito’y matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.
Ang parabula ay tinatawag ding talinghaga. Ito ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng diin ay aral sa kuwento.
Ang parabula ay isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang gumaganap ay mga tao. Ito ay naglalarawan ng katutohan o tunay na nangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
Nilalaman ng Parabula
1. Ang parabula ay isang uri ng panitikang maikling kuwento na, taliwas sa mga pabula, ang karaniwang gumaganap ay mga tao at hindi mga hayop.
2. Ito ay naglalarawan ng katotohan o mga tunay na nangyayari sa mundo.
3. Ang parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
Ang ilang sikat na mga parabula ay makikita sa Bibliya. Halimbawa:
- Prodigal Son
- The Good Samaritan
- Two Debtors
Mga elemento ng Parabula
Tauhan – Mga karakter na hango sa bibliya na maaaring makapagbigay ng aral sa mga mambabasa ng kwento.
Tagpuan – Hindi kagaya sa maikling kwento, minsan hindi matatagpuan sa simula ang tagpuan ng kwento at minsan ay hindi talaga nasasabi kung saan mismo nangyari ang kwento.
Aral – na umaakay sa tao sa matwid na landas
Banghay – pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Comments are closed.