Ponemang Suprasegmental

– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang lahat ng detalye tungkol sa Ponemang Suprasegmental. Kaakibat din nito ang mga halimbawa upang mas maunawaan natin ang paksa. Tara na’t ating simulan!

Ano nga ba ang Ponemang Suprasegmental?

– Ang ponemang suprasegmental ay naglalarwan rin sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,sinisimbolo ito ng notasyong phonemic upang malaman kung ano ang pagbigkas. Sa paggamit nito, maliwanag na naipapahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.

Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin, o intensyon ng nagpapahayag o nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono, haba at antala sa pagbigkas at pagsasalita.

DIIN:

– Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho na baybay.

Halimbawa:

  1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
  2. Sila lamang ang /buHAY/ sa naganap na sakuna.

TONO:

– Ito ay taas-baba na inuukol sa pantig ng isang salita o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pakikipag-usap. Bawat tao ay may kaniya kaniyang paraan ng pagsasalita ngunit may kinakailangan ring norm sa pagsasalita upang higit na maiparating ang mensahe.

HABA:

– Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.

ANTALA:

– Tumutukoy ito sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. Mayroon ring hinto sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaan ang nais nitong ipahayag.

Halimbawa:

  1. Mae Alex/ iyon ang kapitbahay kong doctor.
  2. Regalo/ ni Roy Rae