– Sa paksang ito, ating pag aaralan ang Sektor ng Paglilingkod. Ano nga ba ito? Ating alamin! Tara na’t sabay sabay tayong kumalap ng impormasyon ukol dito. Simulan na natin!
Mag-uumpisa sa Sektor ng Agrikultura ang mga hilaw na Marteryales, Pagkatapos ay ipoproseso ito ng Sektor ng Industriya at ang Sektor ng Paglilingkod ang magdidistribute o maghahatid nito sa Mamamayan.
Rekomendasyon: Sektor ng Ekonomiya
Ano ang Sektor ng Paglilingkod?
– Ito ay tumutukoy sa tersiaryong sektor. Ito ay ang bahagi ng ekonomiya na nagbibigay ng serbisyo o paglilingkod sa mga konsumer sa halip na kumuha o lumikha ng mga produkto.
Saklaw nito ang distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto, lokal man o internasyunal. Sa madaling sabi, ang tersiyaryong sektor ay ang sektor ng serbisyo.
Ang Sektor ng Paglilingkod o Serbisyo ang isa sa 3 uri ng industriya sa isang linang na ekonomiya. Ito ang sektor na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga negosyo at sa mga konsyumer.
Ang serbisyo’y maaaring pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa konsyumer ng mga produkto mula sa prodyuser, tulad ng nangyayari sa industriya ng turismo at paglilibang Anuman ang serbisyo, ang pokus nito ay ang pakikipag-ugnayan ng tao sa tao.
•Call Center Ito ang mga opisinang nag- seserbisyo ng mga kustomer sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng telepono.
•Domestikong Kalakalan: Ito ay tumutukoy sa kalakalan sa pagitan ng mga tao sa loob ng bansa.
•Internasyonal na kalakalan: Ito ay tumutukoy sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa
Kahalagahan ng sektor ng Paglilingkod?
– Ito ay may mahalagang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa larangan ng ekonomiya at maging sa anumang uri ng kalakaran sa pagpapatakbo sa loob ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng sektor na ito ay lalong napapaunlad ang mga produkto at materyales na nanggagaling mula sa sektor ng ekonomiya, agrikulura at industriya. Sa ganitong kalakaran ay lalo pang bumibilis ang pag-unlad ng isang bansa.
Dahil sa kontribusyon at tulong ng mga nasa sektor ng paglilingkod, maayos na naipararating ang mga kalakal kahit saan mang dako ng daigdig. Ang mga produkto at mga serbisyo ay natatamasa ng mga tao sa pamamagitan ng pagbiyahe sa lupa, sa tubig o maging sa himpapawid. Maging sa sining pangkomunikasyon ay mabilis din ang paghatid ng mga mensahe at mga aununsiyo sa mga mamamayan.
ito ang bahagi ng ekonomiya na tumitiyak na mabibigyan ng maganda at mainam na serbisyo at produkto ang mga mamimili sa pamamagitan ng maayos at maingat na pag-iimbak, pangangalakal, at pagtitinda ng mga produkto. Kagaya ng ibang mga sektor, nagbibigay rin ito ng trabaho sa maraming mamamayan at naglalagay ng dolyar sa bansa.
Halimbawa ng Sektor ng Paglilingkod
Kasama sa mga serbisyo ang pagpoproseso ng payroll, pagbili, warehousing, transportasyon, at mga benta. Ang mga serbisyo ay karaniwang ginagawa ng mga empleyado na nagtatrabaho sa ilalim ng kontrata sa kumpanya na lumilikha ng pangangailangan para sa kanilang mga serbisyo.
Maraming mga trabaho sa gobyerno sa sektor na ito, dahil ang gobyerno ay direktang kasangkot sa mga bagay sa isang bansa.
Ang mga trabahong ito ay kinabibilangan ng abugado sa pagtatanggol, katulong na abugado ng heneral, representante ng abugado ng pangkalahatan, hukom, opisyal ng pulisya, manggagawa ng Serbisyong Panlipunan, inspektor ng paggawa, opisyal ng gabinete, inspektor ng hangganan, opisyal ng riles, inspektor ng buwis, miyembro ng Coast Guard, ahente ng konsul, customs officer, trade representative, at cabinet officer.
Mga Subsektor ng Sektor ng Paglilingkod
- Transportasyon
- Komunikasyon
- Kalakalan
- Pananalapi
- Pabahay
1. Transportasyon
Nakasalig ang pag-unlad ng ekonomiya sa industriyang transportasyon. -Ito ang literal na nagpapagalaw ng kalakalang lokal at internasyonal. Kaya, nakasalalay sa isang matibay na sektor ng transportasyon ang paglago ng kalakalan. Ang sistema ng transportasyong panlupa, pantubig at pang himpapawid.
Uri ng Transportasyon
Transportasyong Panlupa – Kasama sa transportasyong panlupa ang mga daan, riles, at mga sasakyang motor.
Tranportasyong Pantubig – Isang kapuluan ang Pilipinas, kaya mahalaga rito ang transportasyong pantubig na magdadala ng mga tao, produkto, at serbisyo sa iba’t ibang lugar.
Transportasyong Panghimpapawid – Ito ang uri ng transportasyon na nagpapagaan at nagpapabilis sa paglalakbay . Sa tulong ng mga paliparan at eroplano.
2. Komunikasyon
Mahalagang mahalaga ang komunikasyon sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Upang mabilis na makapag- ugnayan ang mga tao . Komunikasyon din ang ginagamit ng pamahalaan upang maiparating sa mga tao ang kanyang mga mithiin at programa.
3. Kalakalan
Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo, o pareho. Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag na pamilihan.
DOMESTIKONG KALAKALAN TINGIAN -tumutukoy ito sa isahang pag- bebenta sa pangkalahatang publiko. PAKYAWAN -tumutukoy sa pagbebenta nang maramihan sa mga nagtitingi, kompanyang industriyal at iba pa.
INTERNASYONAL NA KALAKALAN PAGLULUWAS -tumutukoy ito sa pagbebenta ng mga produktong mula sa Pilipinas, sa ibang bansa.
PAG-AANGKAT -tumutukoy sa pagbili ng iba’t ibang produkto mula sa mga ibang bansa.
4. Pananalapi
Ang subsektor na ito ang tumutulong sa pagsasagawa ng mga transaksyong ekonomiko, kasama na ang pag-iipon at pamumuhunan.
5. Pabahay
Ang pabahay ay isang mahalagang indikasyon ng paglagong ekonomiko. Mas maraming bahay na ginagawa, mas masigla ang ekonomiya.
Katangian at Kahandaan ng Pilipinong manggagawa sa Sektor ng paglilingkod
Ang mga Pilipinong manggagawa ay masisipag, may direksyon sa trabaho, nagpapakita ng pagkalamikhain at pagnanais na matuto sa iba’t ibang kasanayan. Ang mga katangiang ito ang nagbunsod sa mga dayuhan na kilalanin at kunin ang mga serbisyo ng mga Pilipino.
Ang mga Pilipinong manggagawa ay madaling makibagay at mahusay makisalamuha sa iba’t ibang kultura. May mataas silang antas ng pagtanggap sa kultura ng iba at may pagpapahalaga sa kliyente. Panghuli, ang sektor ng Paglilingkod at mayroong 29 milyong manggagawa na may kasanayan o SKILLED LABOR FORCE.
Mga Ahensya sa ilalim ng Sektor ng Paglilingkod
•Department of Tourism o Kagawaran ng Turismo: Sila ang namamahala sa paglinang sa turismo bilang mahalagang sektor ng bansa.
•Department of Transportation and Communications: Tungkulin ng DOTC na magpaayos, magpalawak, at lalong mapaunlad ang sistema ng telekomunikasyon at transportasyon sa bansa
•Technical Education and Skill Development Authority: Sila ang naglulunsad ng iba’t ibang uri pagsasanay para sa mga manggagawa.
Mga Suliranin sa Sektor ng Paglilingkod
•Maraming manggagawang Pilipino ang nangingibang bansa upang doon na makipagsapalaran.
•Mabagal na pag-unlad ng turismo.
•Mas lumalala pang kaso ng Brain Drain-nababawasan ang dalubahasa at mataas ang antas ng kasanayan sa ating lakas paggawa.
•Kakulangan sa kasanayan ng mga manggagawa.
Mga Kalutasan sa Sektor ng Paglilingkod
•Maglunsad ng taas pasahod sa mga lokal na manggagawa upang mahikayat sila na dito magtrabaho sa ating bansa.
•Paghasa sa mga hinaharap na manggagawa sa pamamagitan ng mga mahusay na sistema ng edukasyon.
•Paglinang ng pamahalaan sa kakayahan ng bansa sa Information and Communications Technology. Palalakasin nito ang posisyon ng software development na magpapasulong ng e-services sa pamamagitan ng paglinang ng mga pamilihan sa loob at labas ng bansa.
•Paglinang ng mga tourism hubs sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga paliparan, daungan at mga daan.