Sirang Plaka (Kahulugan at Halimbawa)

– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Sirang Plaka at upang mas maunawaan natin ito, may mga karagdagang halimbawa rin ito. Tara na’t simulan na natin!

Ano nga ba ang Sirang Plaka?

– Ito ay isang ekspresyon nating mga Pilipino na ang ibig sabihin ay paulit-ulit ang isang tao na parang sirang plaka. Kapag sinabihan ka ng isang tao na “para kang sirang plaka” ay malamang naiirita na siya sa iyo dahil paulit-ulit ang sinasabi mo.

Halimbawa:

  • Alam mo kanina mo pa binabanggit yung pangalan niya, para ka nang sirang plaka.