Synthesis

Sa paksang ito ay tatalakayin natin ang mga impormasyon ukol sa sintesis. Ang kahulugan, paraan kung paano gumawa at halimbawa nito.

Ano nga ba ang Sintesis?

– Ito ay isang buod o pinakamaikli pero pinaka importanteng impormasyon mula sa isang kuwento o pangyayari. Taglay nito ang sagot sa mga tanong katulad ng sino, ano, paano, saan at kailan naganap ang pangyayari. Ito rin ay ginagamit upang matulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga tinalakay ng may akda.

Paano nga ba gumawa ng isang magandang sintesis?

  1. Intindihin ang layunin ng may akda
  2. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin
  3. Gumawa ng plano sa organisasyon ng iyong sulatin

Halimbawa:

Ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay talaga namang nakakasama sapagkat nakakaapekto ito sa pisikal, emosyonal at mentalidad ng menor de edad

Isinulat ni : Cristine Joy Cabuga

Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013 at Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) study, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis na. Mga 14 percent ng mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga ina na rin.

Ayon kay Larrize (2017) Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa lamang.

Ang magandang maidudulot ng maagang pagbubuntis ay masusubaybayan mo ang paglaki ng bata hanggang siya ay magpakasal na.

At bukod pa dito dahil sa bata pa ay maaaring magkaroon ng malaking tyansa na mapagtapos sa pag-aaral sapagkat may kakayahan pang makapagtrabaho di tulad nga mga may edad na ng mabiyayaan ng anak.

Ngunit ang lahat ng ito ay sinasalungatan ng websayt na teenage pregnancy, ayon dito ang mga batang magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hinda pa lubos na handa sa mga responsibilidad na haharapin nila.

At ayon pa dito, madaming mga kabataang mahihirap na may anak dahil hindi sila nakapag-aral, hindi sila makakapag trabaho dahil hindi wasto ang kanilang pinag aralan.