Isinilang: Nobyembre 30, 1863 – Namatay: Mayo 10, 1897
Tinagurian siyang Ang Dakilang Dukha, Ama ng Demokrasyang Pilipino, Tagapagtatag ng Katipunan at Bayani ng Maynila.
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya’s nakatapos s kanyang pag-aaral sa isang primaryang paaralan sa ilalim ng pagtuturo ni Guillermo Osmena. Ngunit sa kadahilanang di-inaasahang pagkamatay ng kanyang mga magulang siya’s huminto sa pag-aaral upang suportahan ang kanyang sarili at kanyang mga nakababatang kapatid.
Sa sapat na pinag-aralan at kaalaman sa pagsulat at pagbasa, sa gulang n labing-apat na taon siya’y naging isang mensahero ng kumpanya ng Fleming and Company, isang negosyo sa paggawa ng mga rattan at iba pang pambenta.
Hindi sa kasapatan ang mga salaping naipon kaya’t siya’y inilipat sa kompanya ng Freshell and Company ay siya’y nakakuha ng malaking sahod bilang ahente.
Bagamat ang sariling kakayahan ay hindi pa kasapatan, siya’y nagbasa ng ilang mga aklat ni Rizal, mga nobela nito, mga talambuhay ng president at iba pa. Sa iba’t ibang opinion na nalathala sa kanyang isipan, siya’y nagtatag at nagtaguyod ng Katipunan.
Kasama niya sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano na nagtatag din ng Katipunan, isang organisasyon ng masa na nagpasimula ng Rebolusyon ng Pilipinas o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, matapos dakipin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan. Itinatag niya ang Katipunan kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Dahil dito kinilala siya bilang “Ama ng Rebulusyon.” At tinawag siyang “Supremo” ng ibang mga kasapi ng katipunan. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siyang lakambini ng Katipunan. Hindi lingid sa isipan ni Bonifacio na siya’y handa na upang pamunuan ang isang organisasyon, Mayo 1896. Siya’y nagpadala ng isang tauhan ni Rizal upang ipamungkahi na sumapi siya sa isang Rebolusyon ni Bonifacio.
Si Bonifacio ay nagsimulang pamunuan ang samahan ng buong talino’t lakas upang lumaban bilang siang kampeon. Higit sa isang libong katao ang nakilahok at nagkaroon ng pagpupulong sa Pugad Lawin, Kalookan noong ika-23 ng Agosto at doon ay sabay sabay nilang pinunit ang kanilang mga sedula.
Si Bonifacio, kasama ang mga tauhan ay buong hirap na nakipaglaban sa mga Kastilla. Sila’y nagwagi ngunit dumating ang mga Amerikano na humantong muli sa isang pagtutunggali.
Nagkaroon ng pagkatalo sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang. Isang Asembliya sa Tejeros, Cavite ang naganap kung saan nagkaroon ng pagpapasya ang Republika ng Pilipinas.
Nang dumating ang eleksyon, nahalal bilang pangulo si Aguinaldo, pangalawang pangulo si Mariano Trias, at kalihim ng samahan si Bonifacio. Isang pag-aalitan ang naganap sa nasabing pagtitipon hinggil sa kakayahan ni Bonifacio na humawak sa nasabing posisyon. Nainsulto si Bonifacio at siya’y lumipat sa Naic, Cavite at nagpasimulang bumuo ng sariling gobyerno.
Kasama ang kanyang asawang si Gregoria de Jesus, sila’y lumisan sa Naic at planong bumalik patungong Montalban. Nagpadala ng ibang mga tauhan si Aguinaldo upang arestuhin si Bonifacio. Sa naganap na pangyayari, sugatan si Bonifacio at sa di inaasahan namatay ang tatlong kasamahan.
Humarap siya sa isang pagsubok laban sa isang bagong gobyerno at nagawaran ng parusang kamatayan. Ngunit, huli na ang lahat, ang mga taong inaakalang tapat sa kanya’y naging hamak na kaaway at dahilan ng kanyang kamatayan. Siya’y namatay noong ika-10 ng Mayo, 1897 sa Maragondon, Cavite.
Isa siyang pambansang bayani ng Pilipinas na nagmula sa angkan ng karaniwang tao, ngunit matapat at walang takot, matigas at matatag sa paninindigan. Umanib siya sa “Liga Filipina” na itinatag ni Dr. Jose Rizal noong 1892. Sinimulan niya ang himagsikan noong Agosto 1896. Nang si Rizal ay ipatapon sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang “Katipunan” na naging batis ng diwang Malaya ng mga Pilipino. Siya ang namuno sa “Unang Sigaw sa Balintawak” noong 1897.
Si Bonifacio ay lalong dakilang mangdirigma kaysa manunulat, ngunit mayroon siyang iniwang mga akdang pampanitikan nagpaalab sa himagsikan. Naririto ang ilan:
- Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
- Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
- Huling Paalam
- Katungkulan Gagawin ng mga Anak ng Bayan (ito ang kartilya ng katipunan)
- Katapusang Hibik ng Pilipinas
Sa mata ng katotohanan at masa, ang alaala ni Bonifacio ay mananatiling inspirasyon at mananatili pa rin siyang “Kampeon ng Masa.”
Basahin ang talambuhay ni:
- Manuel Roxas
- Francisco Balagtas
- Marcela Agoncillo
- Gabriella Silang
- Emilio Jacinto
- Josefa Llanes Escoda
- Apolinario Mabini
- Jose Rizal
- Antonio Luna
- Emilio Aguinaldo