Malaki na ang pinagbago ng ating lipunan ngayon kumpara noong unang panahon. Dahil sa mga makabagong teknolohiya ngayon ay marami ng kaparaanan upang makausap ang mga mahal natin sa buhay na nasa malayo. Ganun pa man ay hindi pa rin nawawala ang paggawa ng liham.
Ang liham ay isang mensahe na naglalaman ng nararamdan ng nagpapadala ng sulat. Maari rin itong maglaman ng impormasyon o balita. Ito ay maaaring isulat o encode gamit ang kompyuter.
Mga Bahagi ng Liham
Mayroong limang bahagi ang isang liham.
1. Pamuhatan – Ito ay binubuo ng tirahan ng sumulat o pinagmulan ng liham. Narito rin ang petsa kung kailan ginawa ang liham.
Halimbawa:
30 Bliss Poblacion
Norzagaray, Bulacan
August 10, 2017
2. Bating Pasimula – Ang bahaging ito ang pagbati ng taong sumulat sa kanyang sinusulatan. Sa liham pangkaibigan ang lalong karaniwang ginagamit ay:
• Mahal kong kaibigan
• Mahal kong pinsan
• Mahal kong Flor
3. Katawan ng Liham – Ang bahaging ito ang pinaka paksa ng liham. Ito ay ang mensaheng ihahatid ng susulat sa sinusulatan.
a. Ang unang bahagi ang naglalaman ng maikling layon ng liham
b. Ang ikalawang talata ng liham ang nagtataglay ng detalye
c. Ang huling talata ay nagsasaad kung ano ang ninanais ng gagawin ng pinagdalhan ng liham.
4. Bating pangwakas – Ito ay ang bahaging nagsasaad ng bating pangwakas ng liham. Nagsisimula sa malaking titik ang mahalagang salita sa bating pangwakas at nagtatapos sa kuwit.
Halimbawa:
Ang iyong kaibigan,
Nagmamahal,
4. Lagda – Ang lagda ang nagpapakilala kung sino ang sumulat, kung liham pangkaibigan ang lagda ay wala ng apelyeldo .
Alamin kung paano gumawa ng liham.