ANg sanhi at bunga ay tinatawag na Cause and Effect sa wikang ingles. Alamin natin ang ibig sabihin ng bawat isa. Pati na rin ang mga halimbawa nito.
Sanhi
Sanhi – Ang pinagmulan ng isang pangyayari. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng isang kaganapan.
Halimbawa: Si Layla ay kumain ng kendi (sanhi) kaya sumakit ang kanyang ngipin.
Bunga
Bunga – Ang kinalabasan, resulta, o dulot ng isang pangyayari.
Halimbawa: Si Layla ay kumain ng kendi kaya sumakit ang kanyang ngipin (bunga).
Halimbawa ng Sanhi at Bunga
Nagdala si Maria ng payong (bunga) dahil madilim at maulap ang langit (sanhi).
Naulanan si John kahapon (sanhi) kaya sya sinipon (bunga).
Pinalitan ni Bunso ang ilaw sa kusina (bunga) kasi napundi ito (sanhi).
Nahimatay ang matanda (bunga) dahil sa init ng panahon (sanhi).
Mahilig magbasa ng aklat si Allan (sanhi) kaya marami syang alam na paksa (bunga).
Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at ku ng ano ang nagging epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil, dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa.
Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang “Bakit ito nangyari?’. Ano ang naging epekto ng
naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga.
Comments are closed.