Mga Larong Pinoy

Gusto kong balikan ang mga panahong ako’y naglalaro sa lansangan at nakikipaghabulan sa aking mga kaibigan. Yung tipong uuwi ka lang ng bahay para kumain at kapag maghahating-gabi na, naku! Pawisan at ang dungis-dungis mo na. (hahah!) Ganun ang buhay-bata NOON. Pero ngayon? Hay ewan… WALA ng ganyan.

Ang mga sumusunod ay mga Larong Pinoy na aking kinalakihan NOON at sana’y maibahagi pa natin sa mga kabataan NGAYON.

SIPA

PATINTERO

TUMBANG PRESO

TAGUAN

AGAWAN BASE (GAME BASE)

SIYATO (SYATONG)

HOLEN

SUNKA (SUNGKA)

TRUMPO

JAK ‘N POY

LUKSONG BAKA

PIKO

Luksong Tinik

Palo Sebo

Naalala ko pa, mahilig din kaming maglaro ng TEKS noon na ang mga nakalagay ay larawan nina san gouku, eugene, vincent.. in short mga cartoon at anime characters. (hahah) Paramihan pa nga kami ng makokolekta. Mahilig din kaming maglaro ng Chinese garter, jack stone, at langit-lupa. ^__^ Hindi ko maalala yung isa eh… basta kinakanta namin yung “isasara ang bulaklak……… dadaan ang reyna, bakembot-kembot pa….” ayun, hindi ko talaga alam tawag sa larong iyon basta nilalaro namin noon. (heheh)