Pang-abay na Pamanahon

– Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

Pang-abay na Pamanahon

1. May Pananda

– Sa uri na ito ay ginagamit ang mga salitang nang, sa, noong, kung, tuwing, mula umpisa at hanggang bilang mga pananda sa pamanahon.

Halimbawa:

Umpisa bukas ay puwede ng makuha ang mga diploma sa paaralan.

Sa tuwing tayo ay magkasama ay kakaiba ang saya na nararamdaman ko.

2. Walang Pananda

– Sa uri na ito ay ginagamit ang mga salitang kahapon, kanina, ngayon, mamaya at bukas bilang mga pananda ng pamanahon.

Halimbawa:

Kinuha na ng aking guro ang mga modules na isinumete ko kahapon.

May pagdiriwang ng araw ng mga puso mamaya sa plaza.

3. Nagsasaad ng dalas

– Sa uri na ito ay ginagamit ang mga salitang araw araw, gabi gabi, buwan buwan, taun taon at tuwing bilang mga pananda ng pamanahon.

Halimbawa:

Araw araw ay dumadalaw siya sa kanyang tatay sa libingan.

Tuwing Disyembre ay nagtitipon tipon ang aking mga kapamilya upang gunitahin ang pasko ng sabay sabay.

Comments are closed.