– Sa paksang ito, ating pag uusapan kung ano nga ba ang kahulugan ng pangungusap. Atin ng alamin at palawakin ang ating kaalaman sa araw na ito. Tara na’t simulan na natin.
Ano nga ba ang pangungusap?
– Ito ay tumutukoy sa salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa sa iba’t ibang paraang katulad ng nagpapahayag, nagtatanong, nag-uutos, o nagbubulalas ukol sa isang bagay, binubuo ng simuno at panaguri, at palagiang isinusulat sa malaking titik ang unang salita, at nagtatapos sa pamamagitan ng isang bantas.
Mga Uri ng Pangungusap
Katulad nga ng ating nabanggit, ang PANGUNGUSAP ay lipon ng mga salita na buo ang diwa. Ito ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang simuno at panag-uri.
Ang pangungusap ay mayroong uri tulad ng PASALAYSAY, PATANONG, PAKIUSAP, PAUTOS at PADAMDAM.
PASALAYSAY
– Ang pasalaysay ay uri ng pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
HALIMBAWA NG PANGUNGUSAP NA NAGSASALAYSAY
- Naglalaro ang mga bata.
- Kumakanta ang magkakaibigan.
- Nagluluto ang aking nanay.
PATANONG
Ito ay ang pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at nagtatapos sa tandang pananong (?).
HALIMBAWA NG MGA PANGUNGUSAP NA PATANONG
- Nasaan ang aking wallet?
- Nakita mo ba ang aking lola?
- Kaya mo bang buhatin yan?
PAKIUSAP
Ito ay ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap. Maaring nagtatapos sa tuldok o tandang pananong (./?).
HALIMBAWA NG MGA PANGUNGUSAP NA NAKIKIUSAP
- Pwede bang makituloy sa inyo?
- Pabukas po ng pinto.
- Maaari ko bang hiramin ang bolpen mo?
PAUTOS
Ito’y uri ng pangungusap na nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din iyo sa tuldok (.).
HALIMBAWA NG MGA PANGUGUSAP NA NAG UUTOS
- Magsampay ka ng mga bagong labang damit.
- Magluto ka ng Adobo.
- Magdilig ka ng halaman.
PADAMDAM
Ang padamdam ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng Tuwa, Takot o Pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang panamdam (!). Maaari ring gamitin ang tandang pananong (?).Karaniwan ding nagbibigay ng babala o kaya’y nagpapahiwatig ng pagkainis.
HALIMBAWA NG PANGUNGUSAP NA PADAMDAM
- Nakakainis! Ang daming insekto.
- Naku! Bilisan mong magbihis.