Lakad Pagong (Kahulugan at Halimbawa)

– Sa paksang ito, ating matutuklasan kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang Lakad Pagong at ilan sa mga halimbawa nito sa pangungusap. Tara na’t simulan na natin!

Ano nga ba ito?

– Ang Lakad Pagong ay nangangahulugang mabagal na paglalakad o mabagal na pagkilos. Ito’y kadalasang ginagamit upang ilarawan ang mga taong mabagal sa paggawa ng mga dapat nilang gawain.

Halimbawa:

  • Lakad Pagong daw ang sistema ng ating gobyerno kaya napag iiwanan ang mga tao sa lipunan sa pag unlad ng ating mga karatig bansa.
  • Halos hindi siya umuusad dahil lakad-pagong siyang kumilos.
  • Ang aking ama ay naiinip sa aking pinsan habang kami ay papunta sa pasyalan dahil sa ginagawa nitong lakad-pagong kahit mainit na ng araw.