Ang mga bugtong o riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na pangungusap na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Ang bugtong ay hindi nawawala sa uso. Ito ay libangan hindi lamang ng mga bata pati na rin ng mga matatanda. Narito ang mga halimbawa ng mga bugtong na may sagot.
100+ halimbawa ng bugtong na may sagot
- Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: Mga mata
- Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona. Sagot: Bayabas
- Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. Sagot: Atis
- Isang prinsesa nakaupo sa tasa. Sagot: Kasoy
- Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis Sagot: Sili
- Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan. Sagot: Dahon ng gabi
- Maliit na bahay, puno ng mga patay. Sagot: Posporo
- May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: Sandok
- Hayan na si kaka bubuka-bukaka. Sagot: Gunting
- Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo Sagot: Pako
- Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: Zipper
- Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin. Sagot: Sumbrero
- Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: Kamiseta
- Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: Kandila
- Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon. Sagot: Kalendaryo
- Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan. Sagot: Walis
- Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan. Sagot: Batya
- Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan. Sagot: Kalendaryo
- Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan. Sagot: Yoyo
- Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi hinaharap na may dala-dalang sulat. Sagot: Sobre
- Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausap. Sagot: Sulat
- Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag silay’y nag papasyal, nahahawi ang daanan. Sagot: Gunting
- Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong anak. Sagot: Sungkaan
- Matanda na ang nuno di pa naliligo Sagot: Pusa
- Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore. Sagot: Langgam
- Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: Gunting
- Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay. Sagot: Pusa
- Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: Kuliglig
- Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y walang dahon. Sagot: Sungay ng Usa
- Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: Paruparo
- Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo. Sagot: Aso
- Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig. Sagot: Yelo
- Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari. Sagot: Sampayan
- Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan. Sagot: Kulog
- May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. Sagot: Kumpisalan
- Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba. Sagot: Bahaghari
- Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: Anino
- Puno ay layu-layo, dulo’y tagpu-tagpo. Sagot: Bahay
- Buto’t balat lumilipad. Sagot: Saranggola
- Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo. Sagot: Pangalan
- Alin sa mga santa ang apat ang paa? Sagot: Sta. Mesa
- Dalawang magkaibigan mahilig mag-unahan. Sagot: Dalawang Paa
- Tubig na pinagpala walang makakuha kundi munting bata Sagot: Gatas ng Ina
- Tatal na munti panggamot sa kati. Sagot: Kuko
- Limang magkakapatid laging kabit-kabit. Sagot: Daliri
- Isang balong malalim puno ng patalim. Sagot: Bibig
- Limang magkakapatid, iisa and dibdib. Sagot: Kamay
- Aling bahagi ng katawan ang di naaabot ng kanang kamay? Sagot: Kanang Siko
- Dahon ng pindapinda magsinlapad ang dalawa. Sagot: Tenga
- Isang bakud-bakuran sari-sari ang nagdaan. Sagot: Ngipin
- Isang bundok hindi makita ang tuktok. Sagot: Noo
- Aling parte ng katawan ang di nababasa? Sagot: Utak
- Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik. Sagot: Mga paa
- Nakatago na, nababasa pa. Sagot: Dila
- Bulak na bibitin-bitin, di puwedeng balutin. Sagot: Ulap
- May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat, lumukso ng pitong gubat, naglagos ng pitong dagat. Sagot: Alon
- Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi ay gabi na. Sagot: Araw
- Maliit na tela sa kalawakan, Inaawitan ng mga mamamayan. Sagot: Watawat
- May paa’y walang baywang, may likod walang tiyan. Sagot: Silya
- Hindi hayop, hindi tao, Pumupulupot sa tiyan mo. Sagot: Sinturon
Comments are closed.