Sawikain, kahulugan at mga halimbawa

Ang mga sawikain o idioms sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salita na patalinghaga at ‘di tuwirang naglalarawan sa isang bagay, sitwasyon o pangyayari.

Ito ay matatalinghagang pahayag na kung minsan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.

Nakakatulong ang paggamit ng mga sawikain upang mas lalong mabigyang-diin ang isang pahayag o pangungusap. Ito ay nakakapukaw sa damdamin ng mga nakikinig o nagbabasa.

Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma

Iba’t ibang Sawikain

1. butas ang bulsa – walang pera

Halimbawa:

Laging butas ang bulsa ni Tony dahil sa kanyang bisyo.

2. ilaw ng tahanan – ina

Halimbawa:

Napakabait ng aming ilaw ng tahanan.

3. alog na ng baba – tanda na

Halimbawa:

Alog na ng baba ang mag-asawa ta di na kayang magtrabaho

4. alimuom – mabaho

Halimbawa:

Alimuom ang buong buhay niya.

5. bahag ang buntot – duwag

Halimbawa:

Bahag ang buntot ni Luigi.

6. ikurus sa noo – tandaan

Halimbawa:

Ikurus sa noo mo na magsisikap ako para sa iyo.

7. bukas ang palad – matulungin

Halimbawa:

Bukas ang palad ni Leni sa mga mahihirap.

8. kapilas ng buhay – asawa

Halimbawa:

Ang kapilas ng buhay niya ay napakabait.

9. nagbibilang ng poste – walang trabaho

Halimbawa:

Siya ay nagbibilang ng poste lalo;t ngayong pandemya.

10. basag ang pula – luko-luko

Halimbawa:

Napaka basag ang pula mo .

11. ibaon sa hukay – kalimutan

Halimbawa:

Huwag mong ibaon sa hukay ang mga alala niya.

12. Ahas – taksil; traidor

Halimbawa:

Mag-ingat sa ahas na nakapaligid sayo.

13. anak-dalita – mahirap

Halimbawa:

Magsikap ka sa buhay kahit ikaw ay anak dalita.

14. alilang-kanin – utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa:

“Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang.”

15. balitang-kutsero – balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

Halimbawa:

Huwag basta basta maniwala sa mga balitang-kutsero.

16. balik-harap – mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

Halimbawa:

Huwag mong kaibiganun si Luisa dahil siya ay balik-harap.

17. Bantay-salakay – taong nagbabait-baitan

Halimbawa:

Si Maria ay bantay salakay sa kanyang guro.

18. basa ang papel – bistado na

Halimbawa:

Basa ang papel ni Tony pagkatapos mahuli sa akto ng kanyang guro.

19. buwaya sa katihan – ususera, nagpapautang na malaki ang tubo

Halimbawa:

Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

20. bukal sa loob – taos puso, tapat

Halimbawa:

Si Tonyo ay Bukal sa loob ang pagtulong sa kapwa.

21. busilak ang puso – malinis ang kalooban

Halimbawa:

Napakabusilak ng puso ng anak nina Aling Lita.

22. di madapuang langaw – maganda ang bihis

Halimbawa:

Di madapuang langaw si Pilar sa suot nitong gown.

23. di makabasag-pinggan – mahinhin

Halimbawa:

Bihira na lang makakita ng mga babaeng di makabasag pinggan sa panahon ngayon.

24. Hampaslupa – lagalag, busabos

Halimbawa:

Para kang hampas lupa sa suot mo.

25. isang kahig, isangtuka – kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan

Halimbawa:

Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

26. itaga sa bato – tandaan

Halimbawa:

Ang masasamang bagay na ginawa mo sa iyong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

27. itim na tupa – masamang anak

Halimbawa:

Labis ang pagsisisi ni Caloy dahil sa pagiging itim na tupa.

28. kalapating mababa ang lipad – babaing nagbebenta ng aliw

Halimbawa:

Maraming kalapating mababa ang lipad ang matatagpuan sa sinehan.

29. kakaning-itik – walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan

Halimbawa:

Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

30. pagputi ng uwak – walang maaasahan, walang kahihinatnan

Halimbawa:

Babayaran ka ni Rafi sa kanyang pagkakautang pagputi ng uwak.

31. pagiisang dibdib – kasal

Halimbawa:

Ang pag-iisang dibdib nina Pat at Leo ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.

32. pusong-bakal – hindi marunong magpatawad

Halimbawa:

Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

33. tinik sa lalamunan – hadlang sa layunin

Halimbawa:

Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

34. tulak ng bibig – salita lamang, di tunay sa loob

Halimbawa:

Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman… iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

35. maamong kordero – mabait na tao

Halimbawa:

Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

36. Mahangin ang ulo – mayabang

Halimbawa:

Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

37. matalas ang ulo – matalino

Halimbawa:

Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

38. mahina ang loob – duwag

Halimbawa:

Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

39. malakas ang loob – matapang

Halimbawa:

Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

40. makapal ang bulsa – mapera

Halimbawa:

Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

41. makapal ang palad – masipag

Halimbawa:

Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

42. magdilang-anghel – magkatotoo sana

Halimbawa:

Hinahangad mong sana’y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

43. kapit-tuko – mahigpit ang hawak

Halimbawa:

Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.

44. kidlat sa bilis – napakabilis

Halimbawa:

Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

45. kilos-pagong – makupad,mabagal

Halimbawa:

Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

46. mababaw ang luha – iyakin

Halimbawa:

Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

47. mabigat ang dugo – di-makagiliwan

Halimbawa:

Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.

48. maitim ang budhi – tuso, masama ang ugali

Halimbawa:

Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya’t labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.

49. malikot ang kamay – kumukuha ng hindi kanya,kawatan

Halimbawa:

Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

50. malawak ang isip – madaling umunawa, maraming nalalaman

Halimbawa:

Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

Comments are closed.