– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng Heograpiya. Tara na’t sabay sabay nating alamin!
Ano ang heograpiya?
– Ito ay galing sa pinagdugtungan na mag salitang Griyego na geo na nangahulugang Daigdig; at graphia na nangahulugang “paglalarawan”, samakatuwid, ang salitang Griyego na geographia na nangahulugang “paglalarawan ng Daigdig”.
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa buong Daigdig. Ito ay sumasakop sa mga lahat ng disiplina na unawain ang Daigdig, ang mga tao, at pati na rin ang papaano ang mga bagay nito ay bumago at lumitaw.
Saklaw ng Heograpiya?
Ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay may dalawang kategorya, ito ang Pisikal na Heograpiya (Physical Geography) at ang Heograpiyang Pantao (Human Geography).
Pisikal na Heograpiya
Nakatuon ang pag-aaral sa likas na kapaligiran ng mundo pati na rin sa pisikal na katangian nito. Saklaw nito ang mga anyong lupa at anyong tubig, Klima at Panahon, Likas na yaman at Fauna(Animal life) at flora (plant life).
Heograpiyang Pantao
Ito ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran at kung paano niya ito binabago o paano siya nito binabago. Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat etniko sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.