Sa araw na ito ay ating pag-uusapan ang kahulugan ng wika? Ano ang Wika? Ating alamin at pag-aralan sa artikulong ito.
Kahulugan ng Wika
Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.
Ang wika ay binubuo ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas.
Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. Ang wika ay kasangkapang ating pulitika at ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.
Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag naponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.
Teorya ng Wika
Saan nga ba nagmula ang wika? Narito ang mga teorya nang pinagmulan nito.
Ding Dong – bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.
Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.
Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.
Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.
Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Genesis 11: 1-9 -Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
Yo-he-ho – pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersa pisikal.
Ta-ra-ra-boom-de-ay. ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Ta-ta – ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkauto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
Sing-song – nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao; may melodiya at tono ang pag-usal ng mga unang tao. Hal: paghimno o paghimig.
La-la – mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. Hal: mga wika o salita ng mga tula at awitin ng pag-ibig.
Hindi man natin matukoy ang pinagmulan ng wika, pero ang sigurado at tiyak ay ito ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang magkaroon ng mabuting relasyon ang mga tao sa isat-isa.