Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa Babang luksa. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ikaw’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,Mga alaalang di-malilimutan.
Kung ako’y nasa pook
na limit dalawin Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.
Kung minsa sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan;
Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.Sa matandang bahay napuno ng saya
Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit, kung nababalik pa
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.
Bakit ba, mahal ko, kay-agang lumisan At iniwan akong sawing
–
kapalaran Hindi mo ba talos, kabiyak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay?
Marahil tinubos ka ni Bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda;
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata.Sa paraang ito, kung nagkaedad na
Ang putting buhokk ko’y di mo makikita:
At ang larawan kong tandang-tanda mo pa,Yaong kabataan taglay na tuwina.
At dahil nga rito, ang pagmamahalanAy hanggang matapos ang kabataan;Itong alaala ay lalaging buhay,Lalaging sariwa sa kawalang, hanggan.Kaya, aking mahal, sa iyong pagpanaw
Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay;
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan.Ang kaugalian ng ninuno natinIsang taon akong magluluksa mandin;
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim;
Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling