Taglish: Hanggang Saan ni Bienvenido Lumbera

Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa taglish, hanggang saan. Tara na at sabay sabay tayong matuto.

May nagtanong kung ang paggamit ng Taglish sa kolum na ito ay recognition on my part na tinaggap kong maaaring gawing basis ng wikang “Filipino” and Taglish. Ngayon pa man ay nililinaw ko nang hindi lengguwahe and Taglish. Ito ay isa lamang convenient vehicle para maabot sa kasalukuyan an isang articulate sector ng ating lipunan na unti-unting nagsisikap gumamit ng Pilipino. Importanteng makita nang sinumang gumagamit ng Taglish na limited and gamit nito. Dahil sa binubuo ito ng mga salitang galling sa dalawang wikang not of the same family, makitid ang range of expressiveness nito.

Ang sensibiliteng ni-reflect nito ay pag-aari ng isang maliit na segment ng ating lupinan, at ang karanasang karaniwang nilalaman nito ay may pagka-superficial. Isang makatang malimit banggitin kapag pinag-uusapan ang paggamit sa taglish ay si Rolando S. Tinio.

Sa kanyang koleksyon ng tulang tinawag na Sitsit sa Kuliglig, may ilang mga tula na pinaghalong Englishna sulatin. Effective lamang ang Taglish, gaya ng pinatutunayan na rin ng mga tula ni Tinio, kapagAmericanized intellectual and speaker, at ang tone ng tula ay medyo tongue-in-check or sarcastic. At kahit na sa ranks ng Americanized Filipino intellectual, and profounder aspects of cultural alienation ayhindi kayang lamanin nang buong-buo ng Taglish.

Better described marahil and Taglish as a “manner of expression.” Ibig sabihin, sa mga informal occasions, mas natural sa isang English-speaking Filipino na sa Taglish magsalita. Sa light conversation, halimbawa. Pero para sa mga okasyong nangangailangan ng sustained thought, Taglish simply won’t do.

Walang predictive patterns and paghahalo ng vocabulary at syntax ng dalawang lengguwahengmagkaiba ng pamilya. Dahil dito, maraming stylistic and logical gaps na nag-iinterfere sa pag-uunawaanng manunulat at mambabasa.Kailangan sa Taglish ang spontaneaous interactionng nagsasalita at ng nakikinig. Sa pamamagitan ngphysical gestures, facial expressions, o tonal inflection, nagagawa ang filling-in na siyang remedyo samga stylistic at logical gaps.

Maaari naming sa pagtatanong linawin ng nakikinig ang anumang ambiguitysa sinasabi ng kausap.Sumakatuwid, ang pagsusulat sa Taglish, cannot be a permanent arrangement. Kung talagang nais ngmanunulat na magcommunicate sa nakararaming mambabasa, haharapin niya ang pagpapahusay sa kanyang command ng Pilipino. Para sa manunulat, isang transitional “language” lamang ang Taglish. Kung tunay na nirerecognize niya na napakaliit at lalo pang lumiit ang audience for English writing, hindisiya makapananatiling Taglish lamang ang kanyang ginagamit.

Maliit pa rin ang audience nanakauunawa sa Taglish pagkat nagdedemand ito ng adequate control of English. Magbalik sa English. Otuluyang lumapit sa Pilipino. Ito ang alternatives para sa Taglish users ngayon na hangad pa ringmagpatuloy sa pagsusulat.