1. Diptonggo – alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy.
Ang diptonggo o diptong ay ang magkatabing patinig at malapatinig na mga tunog (nasa tamang pagkakasunod) sa isang silabol. Ang W at Y ay tinatawag na malapatinig o semi-vowel dahil ang tunog nito ay “parang patinig o vowel”. Mayroon lamang pitong diftong: AY, EY, IY, OY, UY, AW at IW. Ang EW, OW at UW ay mga diftong subalit walang salita sa Filipino na may tunog na ganito (ayon sa mga libro).
Ang patinig ay alin man sa limang titik a, e, i, o, at u. Ang diptonggo ay ang tunog na nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng titik w o y. Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang pantig ng salita.
Halimbawa:
/aw/
agaw, bangaw, dalaw, gaslaw, ibabaw, lugaw, alingawngaw, bataw, gunaw, kalabaw, sabaw, sitaw, galaw, sapaw,bulalakaw,
/ay/
abay, baranggay, himlay, katay, liwayway, panday, sanaysay, talakay, agapay, batay, patay, tagay, bagay, sampay,
/ey/
beybi, Leyte, reyna
/iw/
agiw, giliw, paksiw, sisiw, aliw, baliw, liwaliw, saliw,
/oy/
baboy, kasoy, palaboy, saluysoy, taboy, tukoy, apoy, daloy, ugoy, kahoy, tikoy,
/uy/
aruy, baduy, huy
Gayunman, kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig ito ay napasasama na sa sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.
Halimbawa ng mga hindi diptonggo:
- Ang aw sa sayawan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang w ay nakapagitan na sa dalawang patinig. Ang pagpapantig sa “sayawan” sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an.
- Ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/ dahil ang titik i at w ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las).
- Ang salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (sam-pa-yan). Ang salitang sampay (sam-pay) ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay.
2. Klaster o Kambal Katinig
magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.
Halimbawa:
Klaster sa unahan: trabaho, plano, braso, trangkaso, klaster, praktis
Klaster sa hulihan: kard, nars, relaks
- Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkatabing katinig sa loob ng isang salita. Katulad ito sa “kambal-katinig” sa tagalog na mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at KATINIG o konsonant subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider na ganito.
- Walang higit sa tatlong magkakatabing konsonant sa isang silabol sa tagalog(mga salitang-hiram sa Kastila) hindi tulad sa Filipino na posible ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat. Ito ay dahil sa paghihiram ng salita sa mga wikang banyaga (karamihan sa English).
- Halimbawa:
eroplano
titser
rolerbleyds
Hindi klaster:
ngipin (ang NG ay ikinokosider na isang letra sa Tagalog maging sa Filipino) saging
- Mapapansin kapag ang isang klaster ay nagkakaroon ng singit na pantinig, nagkakaroon na ng dalawang pantig. Kayat ito’y hindi na maituturing na klaster.
Halimbawa:
Kuwarto – mali, Kwarto – tama
Piyano – mali Pyano – tama
- Noong unang panahon ay wala pang klaster sa mga salitang tagalog. Ngunit nang skupin tayo ng mga kastila pumasok ang mga salitang hiram na nagtataglay ng klaster. Dahil dito nagkaroong ng ilang di pagkakasundo sa pagsulat ng mga salitang may klaster. Ang iba ay naglalagay ng patinig sa pagitan ng dalawang katin ig na bumubuo ng klaster. Ang iba naman ay hindi nagsisingit ng patinig.
- Ilan pang mga halimbawa:
Twalya – Tuwalya
Sweldo – Suweldo
Dwende – Duwende
Gwapo – Guwapo
Dyanitor – Diyanitor