Sa paksang ito, ating aalamin ang kahulugan ng mga salitang ito. Tara na’t palawakin natin ang ating mga kaisipan ukol sa paksang ito. Simulan na natin!
ANO NGA BA ANG SAKLAW?
– Ang salitang ito ay nangangahulugang sakop, kasama, kalakip, o kabilang. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na bahagi ng isang kabuuan. Pinapahayag nito ang lawak o kaya naman ang hangganan ng isang pananaw o isang bagay. Ito rin ay nagpapahayag ng lawak ng kapangyarihan o karapatan ng isang tao at Ito ay naglalarawan sa kung sakop ng isang pagsasaliksik o akademikong sulatin.
Halimbawa:
- Saklaw ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang naging buhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.
- Patuloy padin ang pagtatalo tungkol sa Scarborough Shoal. Saklaw nga ba ito ng Pilipinas o ng Tsina?