– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng Obhetibo sa Subhetibo. Atin nang palawakin ang ating mga kaisipan ukol dito. Tara na’t simulan natin!
Bago natin talakayin ang pagkakaiba nila. Atin munang balikan ang kahulugan ng dalawang ito.
Ano ang Obhetibo?
– Ito ay tiyak na pagbibigay detalye sa isang tao, bagay, lugar ayon sa totoong buhay. Ito ang uri ng paglalarawan batay sa totoong nakikita, nadarama, naririnig, o nalalasahan. Ang mga pahayag ay sadyang makatotohanan.
Ano ang Subhetibo?
– Ito ay isang salitang ginagamit sa larangan ng pagsulat. Ang isang akda ay sinasabing subhetibo kung ang manunulat ay naging matagumpay sa kanyang paglalarawan dito. Malinaw, at maaaring madama ng mga mambabasa ang akdang isunulat. Gayunpaman, ang akdang isinulat ay mula lamang sa imahinasyon ng manunulat.
Ang mga akda na ito ay hindi nangyayari sa totoong buhay. Ito ay mula lamang sa malikhaing pag iisip ng manunulat na hinaluan ng kanyang galing sa pagsulat. Wala itong siyentipikong batayan o ano pa man. Sa kabila nito, ang mga paglalarawan sa akda ay tunay na nakakamangha at siyang pumupukaw sa emosyon ng mga mambabasa.
Ano ang kanilang pagkakaiba?
OBHETIBO | SUBHETIBO |
Ito ay may tiyak na paglalarawan | Ito ay ang paglalarawan ayon sa sariling saloobin at opinyon. |
Tiyak na pagbibigay detalye sa isang tao, bagay, lugar ayon sa totoong buhay. Ito ang uri ng paglalarawan batay sa totoong nakikita, nadarama, naririnig, o nalalasahan. Ang mga pahayag ay sadyang makatotohanan. | Paglalarawan na isinulat ng malinaw at may damdamin ngunit hindi nakabatay sa totong buhay. Ito ay paglalarawan na hindi makikita ng kongkreto ang imahe o larawang isinasaad ng manunulat. Karaniwan ay gumagamit ng mga matalinhagang mga pahayag. |