Ating naipaliwanag sa mga naunang artikulo ang depinisyon ng Pang-abay. Dito naman sa pahinang ito ay ating pag uusapan ang isa sa mga uri ng Pang-abay; an Pang-abay na Pamaraan.
Pang-abay na Pamaraan depinisyon
Ang Pang-abay na Pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos sa ipinapahayag na pandiwa.
Ito ay maaring gamitan ng mga panandang nang, na, o -ng.
Halimbawa ng Pang-abay na Pamaraan
- Natulog siya nang nakabukas ang bibig.
- Siya ay umalis na nakangiti.
- Sinagot ni Luis ang kanyang nanay nang pagalit.
- Niyakap ko siya ng mahigpit.
- Mataimtim siyang nagdasal para sa nalalapit nyang pagsusulit.
- Padabog siyang umalis ng bahay.
- Mahimbing ang tulog ni Lenlen kahapon.
- Matapang nyang sinagot ang mga katanungan sa kanya.
- Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto.
- Si Maria ay mahusay gumuhit.
Comments are closed.