Pang-abay na Panlunan

– Ito ay isang uri ng pang abay na nagsasaad o nagsasabi kung saan nangyari o ginawa ang kilos ng pandiwa ay isang pang-abay na panlunan.

Halimbawa:

1. Nag-eenjoy si Karl sa paglalaro ng crane game sa mall.

– ang panlunan sa pangungusap na ito ay “sa mall” sapagkat duon ang lugar kung saan ginawa ang kilos at yun ay ang paglalaro ni Karl ng crane game.

2. Gumagawa kame ng cake para sa kaarawan ni Joy sa kusina

– ang panlunan sa pangungusap na ito ay “sa kusina” sapagkat doon ginawa ang kilos at yun ay ang pag gawa ng cake para sa kaarawan ni Joy.

3. Nanonood ang mga tao ng parada sa plaza

– ang panlunan na ginamit sa pangungusap na ito ay “sa plaza” sapagkat dito isinagawa ang kilos at yun ay ang pagnood ng mga tao ng parada.

Comments are closed.