Ang pangngalan o ang tinatawag na noun sa salitang ingles ay ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pook, o pangyayari.
Ito ay maaaring uriin sa dalawa: pambalana at pantangi.
Mga Uri ng Pangngalan
- Pangngalang Pantangi (Proper Noun)
- Pangngalang Pambalana (Common Noun)
Pangngalang Pambalana (Common Noun)
Ito ay karaniwan ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pook, o pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik. Ngunit kung ito ay simula ng pangungusap, nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa: lola, anak, bata, lalaki, babae, guro, lungsod, paaralan, bansa, kontinente,
- Ang bata ay dinala sa pagamutan.
- Bumisita ang guro sa kanyang mge estudyante.
- Ang aming lungsod ay tahimik.
Pangngalang Pantangi (Proper Noun)
Ito ay tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pook, o pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa: Manny Pacquiao, Lungsod ng Quezon, Pilipinas, Asya,
- Si Manny Pacquiao ay tumakbo sa pagkapangulo.
- Ang Lungsod ng Quezon ay napakalinis.
- Ang Pilipinas ay isang mayamang bansa.
Comments are closed.