Panukalang Proyekto

-Sa paksang ito, ating matutunan kung ano nga ba ang panukalang proyekto, ang mga bahagi nito at matutuklasan din natin ang ilan sa halimbawa nito. Tara? Atin nang pag aralan ito.

Ano nga ba ang Panukalang Proyekto?

-Ito ay isang uri ng dokumento na kadalasan na ginagamit para maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. Ang mga pakay ng proyekto na ito ay kadalasang solusyon para sa mga iba’t-ibang oportunidad o problema ng ating bayan.

Bahagi ng Panukalang Proyekto

1. Panimula

– Nakasaaad dito ang mga rasyonal o mga problema, layunin, o ang motibasyon ng pag-gawa ng panukalang proyekto.

2. Katawan

– Dito ay nilalagyan ng mga detalye ng mga kailangang gawin at ang badyet para sa proyektong gagawin.

3. Kongklusyon

-Sa kongklusyon naman ay nilalahad ang mga benepisyong makukuha sa proyekto.

Halimbawa ng Panukalang Proyekto

I. Pamagat: PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG BAGONG LIBRARY PARA SA STEM SA SAN PEDRO HIGH SCHOOL.

II. Proponent ng Proyekto: Peter Dimasalanta

III. Kategorya: Ang proyektong pagbuo ng bagong library para sa STEM sa San Pedro High School (SPHS) ay isasagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga libro para sa STEM at pagbuo ng plano upang mahikayat ang mga mag-aaral na kumuha ng kursong ito.

IV. Petsa ng Bawat Hakbang:

PetsaMga GawainLugar
Enero 19, 2019Pagpupulong ng student council at faculty kasama ang mga site engineersSan Pedro High School Conference Room
Enero 25, 2019Pagtalaga ng magiging punong abala sa paghihikayat sa mga estudyante na kumuha ng kursong STEM at Pagsagawa ng kampanya para mahikayat ang mga board member na magpatayo ng bagong library para sa STEMSan Pedro High School
Enero 28, 2019Paglulunsad ng trial run sa bagong library sa paaralanSan Pedro High School Library

V. Rasyonal: Ang kahalagahan ng proyektong ito ay para maipakita ang paguunlad ng paaralan sa larangan ng STEM at para makagawa ng bagong pasilidad para sa bagong kaalaman ng mga kabataan.

VI. Deskripsyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay aabutin ng anim na buwan para maisakatuparan o matapos. Maliban sa pagbuo ng library, gagawa rin ang mga miyembro ng komite ng paraan para hikayatin ang mga estudyante na kumuha ng STEM.

VII. Badyet: Kahati sa badyet ng paaralan ay mangagaling sa ating sponsors na dating mga estudyante ng SPHS. Magbibigay din ang ciudad ng pondo para sa paggawa ng mismong library.