Retorika (Kahulugan at Halimbawa)

– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Retorika. Upang mas maunawaan ito, matutuklasan rin natin ang ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’t simulan na natin!

Ano nga ba ang Retorika?

– Ang salitang ito ay galing sa salitang “rhetor” na nangangahulugang “guro o maestro”. Bukod dito, ito rin ang tawag sa mga mananalumpati o orador. Ito ay posibleng gawin sa pamamagitan ng pasulat o pasalita.

Hindi katulad ng ordinaryong pagpapahayag, ang isang retorika ay nangangailangang maging masining, klaro, at nakaka-enganyo sa mga madla, tagapakinig, o tagapag-basa. Karagdagan, ito rin ay maaring gamitin para sa paghimok o pagsang-ayon sa isang paksa.

Halimbawa:

IDYOMA:

magdilang anghel – magkatotoo ang sinabi

SALAWIKAIN:

Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.

TAYUTAY:

  1. Sumasayaw ang mga alon sa dagat. (Pagbibigay – katauhan)
  2. Nagliliyab ang mga mata niya sa galit. (Pagmamalabis)
  3. Tukso, layuan mo ako! (Pagtawag)
  4. Si Jhenny ang tala ng palatuntunan. (Pagpapalit – tawag)
  5. Isang kayumanggi ang pinarangalan sa paligsahan ng kagandahan. (Pagpapalit – saklaw)