Sintaks

-Sa paksang ito, ating talakayin ang kahulugan ng Sintaks, uri at mga halimbawa nito. Tara na’t sabay sabay nating pag aralan ang paksang ito upang mas lumawak pa ang ating kaalaman.

Ano nga ba ang Sintaks?

-Ang Sintaks ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap.

Mga salitang pang nilalamanMga salitang pangkayarian
pangngalanpangatnig
panghalippang-angkop
pang-uripang-ukol
pang-abay pantukoy
pangawig na “ay”

MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA AYOS

1.Payak (Simple)

-Ito ay kung binubuo lamang ng isang sugnay na nakapag-iisa.

Halimbawa:

-Matayog ang lipad ng Eroplano

2. Tambalan (Compound)

-Ito ay kung binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa (at, ngunit, subalit, datapwat).

Halimbawa:

-Matayog ang lipad ng Eroplano at siya ay kasaby nito lumipad

3. Hugnayan (Complex)

-Ito ay kung binubuo ng isang sugnay na nakapagiisa at isang hindi nakapag-iisa (sapagkat, dahil, upang, nang, para).

Halimbawa:

-Matayog ang lipad ng eroplano upang hindi ito maabala ng mga ulap.

4. Langkapan (Compound Complex)

– Ito ay kung binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa at isang hindi nakapag-iisa.

Halimbawa:

-Matayog ang lipad ng eroplano at siya ay kasabay nitong lumilipad ngunit naiwan niya sa Pilipinas ang kanyang kasintahan dahil abala naman ito sa kanyang restawran.

MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA NILALAMAN

1. Paturol (Declarative)

-Ito ay kung nagpapahayag ng payak na impormasyon

Halimbawa:

-Dumarami na ang sangay ng kanyang restawran.

2. Patanong (Interrogative)

-Ito ay kung nag-uusisa at humahanap ng impormasyon.

Halimbawa:

-Ilan na ba ang mga sangay ng iyong restawran?

3. Pautos (Imperative)

– Ito ay kung nagbibigay ng kilos na dapat gawin ng kausap.

Halimbawa:

-Pakilinis na ang mga mesa para sa susunod nating mga kustomer.

4. Padamdam (Exclamation)

– Ito ay kung nagbubulalas ng matinding damdamin.

Halimbawa:
– Yahoo! Ang ating restawran ang ginawaran ng Consumer’s Choice Award!

URI NG PANGUNGUSAP NG WALANG PAKSA

1. Pangungusap na Eksistensyal

– Ito ay nagpapahayag ng pagkakaroon o kawalan.

Halimbawa:

-May pag-ibig ka pa ba para sa akin? Wala.

2. Pangungusap na Pahanga

– Ito ay nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.

Halimbawa:

-O, kayganda! Ang galing!

3. Maiikling sambitla

– Isa o dalawang pantig na katagang may matinding damdamin

Halimbawa:

-Aray!

4. Pangungusap na Pamanahon

-Ito ay nagsasaad ng oras o panahon

Halimbawa:

-Kakain kame sa paborito kong restawran sa makalawa

5. Pormulasyong Panlipunan

– Ito ay pagbati at iba pang kalugod-lugod na salitang sinasabi upang makapagtaguyod ng mabuting ugnayan

Halimbawa:

-Magandang umaga! Maligayang kaarawan!

6. Modal

– Ito ay nagpapahayag ng kagustuhan.

Halimbawa:

-Gusto kong kumain

-Gusto kong bilhin yung magandang bag na nakita ko sa SM

7. Penomenal

– Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari sa kalikasan

Halimbawa:

– Nangyari ang magnitude 6.8 na lindol kanina sa China

-Bumaha saaming lugar dahil sa malakas na pag ulan kagabi

8. Pandiwang tugon sa pangungusap o nag-uutos o nagyayaya 

Halimbawa:

-Dali! Layas! Tayo na!

9. Panawag

Halimbawa:

– Psst! Hoy!