-Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng Metodolohiya. Ano nga ba ito? Tara na’t sabay sabay nating alamin!
Ano nga ba ang Metodolohiya?
– Ito ay ang pamamaraan ng pagkalap ng mga datos o impormasyon sa pananaliksik na kailangang masagot upang maging reliable, valid at kaaya-aya ang resulta ng isang pananaliksik. Ito rin ay isang strategiya o pamamaraan na ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan at maipakita ang mga suliranin sa kanilang pag-aaral.