Morpolohiya kahulugan

Ating pag-uusapan ang tungkol sa morpolohiyo at ang mga anyo nito. Sabay-sabay nating pag-aralan upang atin itong maintindihan.

Ano ang Morpolohiya?

Ang morpolohiya o Palabuuan ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. Ito ay isang sistemang pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng salita ng isang wika.

Ang salitang MORPEMA ay galing sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyoo yunit) + eme (kahulugan).

Ang morpema ay ang pinakamaliit na bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan.

Ang morpema ay hindi dapat ipagkamali sa pantig.

Halimbawa:

mabunga

pantig: ma/bu/nga

morpema: ma at bunga 

(ma = pagkamarami o mayroon)

(bunga =epekto)

3 ANYO NG MORPEMA

1.Morpemang salitang-ugat

2.Morpemang panlapi

3.Morpemang binubuo ng isang ponema (o titik)

Morpemang salitang-ugat

Ito ay binubuo ng salitang walang kasamang panlapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema.

Halimbawa:

ilog, bahay, araw, lupa,bayani, bandila, langit

Morpemang panlapi

May taglay na kahulugan sa sarili ang morpemang panlapi. Ngunit tinatawag ang ganitong morpema na di malayang morpema. Hindi sila makatatayo sa kanilang sarili. Kapag isinama lamang ito sa isang malayang morpema nagkakaroon ng ganap na kahulugan.


Morpemang binubuo ng isang ponema (o titik)

Sa pangkalahatan, ang ponema o titik na

/a/ ay kumakatawan sa kasariang pambabae.

Mga halimbawa:

doktor-doktora

abogado-abogada

mayor -mayora

gobernador-gobernadora

propesor-propesora