Sa araw na ito ating alamin ang gamit ng gitling. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Ginagamit ang gitling (-):
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Araw-araw dala-dalawa isa-isa sari-sarili
Apat-apat Sali-saliwa pulang-pula balu-baluktot
Anu-ano sinu-sino bagung-bago bahay-bahayan
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako
Mang-ulo pang-alis tag-araw pang-ulan
Mag-asawa pag-aaruga pag-asa may-ari
3. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Pamatay ng insekto – pamatay-insekto
Kahoy sa gubat – kahoy-gubat
Humigit at kumulong – humigit-kumulong
Lakad at takbo – lakad-takbo
Bahay na aliwan – bahay-aliwan
Dalagang tagabukid – dalagang-bukid
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Maka-Diyos mag-Ajax maka-Rizal
Maka-Johnson maka-Pilipino mag-Sprite
Taga-Baguio mag-Corona taga-Luzon
Mag-Ford taga-Tubod mag-Pisay
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sapagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
Mag-Johnson magjo-Johnson
Mag-Corona magko-Corona
Mag-Ford magfo-Ford
Mag-Sprite mag-i-Sprite
Mag-Zonrox magzo-Zonrox
5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
Ika-3 n.h. ika-20 pahina ika-9 na buwan
Ika-10 ng umaga ika-3 rebisyon ika-25 na anibersaryo
6. kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.
Isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
Tatlong-kanim (3/6)
7. kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
Gloria Santos-Reyes Perlita Orosa-Banzon
Conchita Ramos-Cruz Marilou Vicente-Cabili
8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya
Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pag-
bigkas ng mga salita.