Akademikong Pagsulat: Kahulugan, Katangian

Sa araw na ito ay ating pag-uusapan kung ano ang Akademikong Pagsusulat, Kalikasan, Katangian at mga layunin nito. Tara na at sabay sabay nating alamin ang Tungkol sa topikong ito.

Ano ang Akademikong Pagsulat?

Ang akademikong pagsulat ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito ng ano mang itinatakdang gawaing pasulat sa isang setting  na akademiko.

Ginagamit din ang akademikong pagsulat para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at mananaliksik o inilalahad sa mga komperensya.

Mabibigyang-kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang ano mang akdangtuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentantibo ata ginagawa ng mga mag-aaral, guro ko mananaliksik upang mapahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa.

Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal,impersonal at obhetibo.Kung gayon, sa pagsusulat ng mga akademikong papel, kailangang tandaan ng sino mang mag-aaral ang kinalalagyang akademikong komunidad na may malinaw nainaasahan o ekspektasyon kung paano ginagawa ang akademikong pagsulat.

Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

May ilang kalikasan nngakademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami. Tatlo sa mga ito, ayon kay Fulwiler at Hayakawa (2003), ay ang sumusunod:

1.Katotohanan.

 Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita naang manunulat ay nakakagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

2.Ebidensya.

 Ang iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

3.Balanse.

Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ngmga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

 Ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod:

Kompleks

 Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Angpasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas maAng pasulat na wikaay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman na leksikon at bokabularyo. Maidaragdag parito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mangpasulat na gawain.2.

Pormal

Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ngpagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.3.

Tumpak

Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.

Obhetibo

 Ang pokus nito kadalsan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyangmambabasa.

Eksplisit

 Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa uganayan sa loob ng teksto. Responsibilidadng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay nagagwang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng ibat’t-ibang salitang signaling words sa teksto.

Wasto

 Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng wastong bokabularyo omga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

Responsable

Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa palalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mangnagpapatibay sa kanyang argumento. Kainlangan din niyang magingresponsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang.ginamit kung ayaw niyang maparatangan ng isang plagyarista 8.

Malinaw na Layunin

 Ang layunin ang akademikong pagsulat ay matugunanang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanongan ito ay nagbibigay ng layunin.

Malinaw na Pananaw

 Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources samantalangang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay tinantawag na sariling punto de bista ng manunulat.

May Pokus

Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

Lohikal na Organisasyon

 Ang akademikong pagsulat ay may sinusunodna istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan na akademikongpapel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal nanauugnay sa kasunod na talata.

Matibay na Suporta

 Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat atkauganay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa,deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.

Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon

Napakahalaga nito dahil bilangmanunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging possible lamang ito kung magigingmalinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

Epektibong Pananaliksik

Sa karamihan ng akademikong papel,kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ngmga impormasyon ng mga impormasyon. Dahil dito, napakahalaga ngpananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalasang intelekwal na katapatan sa pamamagitan ng hinangong impormasyon odatos.

Iskolarling Estilo ng Pagsulat

Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel, kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas aat bokabularyo sa pagsulat nito. 

Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-iingat,kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika