Sa araw na ito ay ating pag-uusapan ang kahulugan at mga anyo ng Imperyalismo. Tara na at sabay-sabay tayong matuto.
Ano ang Imperyalismo?
Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
Ilang malalaki o malalakas na mga bansang ang kumukontrol sai bang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.
Isang halimbawa ng imperyalismo ay ang kung kailang nilulusob at sinasakop ng mga bansa o namirmihan sa mga lupain sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kolonya. Noong mga dekada ng 1700 at 1800 ginamit ng Imperyong britaniko ang patakaran ng imperyalismo upang matabanan ang malalaking mga teritoryong katulad ng Australia at Canada.
Mga Anyo ng Imperyalismo
Kolonya – Isang bansa o rehiyong pinangangasiwaan sa loob ng isang dayuhang kapangyarihan.
Ekonomiko – Isang nagsasarili o malaya ngunit hindi pa gaanong maunlad na bansang pinamamahalaan ng mga pribadong kumpanya na may kanaisang pangnegosyo sa halip na ibang mga pamahalaan.
Sphere of Infuence- Isang panlabas na kapangyarihan ang umaangkin ng mga pribilehiyong pampamuhunan at pangangalakal.
Protektorado- Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na kapangyarihan.