Ang pandiwa o ang tinatawag na “verb” sa english ay salitang tumutukoy sa kilos o galaw ng salita o mga salita sa loob ng pangungusap. Kakaiba ang pandiwa sa wikang Filipino dahil ito ay naaayon sa aspekto, pokus, kaganapan at iba pa.
Binubuo ang pandiwa ayon sa pagsasama-sama ng salitang-ugat at isa o higit pang panlaping
pandiwa. Ang salitang-ugat ang nagbibigay ng kahulugan ng pandiwa samantalang ang panlapi
ay naghahayag ng pokus o relasyon ng pandiwa sa paksa. Maaaring ito ay hunlapi, o mga panlaping nasa hulihan ng salitang ugat, gitlapi o mga panlaping nasa gitna ng salitang ugat o kaya ay unlapi, mga salitang nasa unahan ng salitang ugat.
Tatlong Gamit ng Pandiwa
Mayroong tatlong gamit ng pandiwa: Ito ang pandiwang nagpapahayag ng aksyon, karanasan, at pangyayari.
1. Gamit ng Pandiwa bilang Aksyon
Kapag ito ay may aktor o tagaganap ng kilos. Maaaring tao o bagay ang aktor.
Mayroong aksiyon ang pandiwa kung may elemento ng pangunahing tagaganap, tagagawa o tinatawag na aktor ng isang kilos o galaw. Ang simuno o ang paksa ng pangungusap ang pangunahing tagaganap o tagagawa. Nabubuo ang mga pandiwang bilang aksyon sa paggamit ng mga panlaping, um, mag, ma-, mang-, maki-, at mag-an. Ang aktor ng ng pandiwa ay maaaring tao, bagay o hayop.
Mga Halimbawa:
- Naglakbay si Jerry sa bansang Austria. (Ang pandiwa ay naglakbay at ang aktor o tagaganap ay si Jerry).
- Tumahol ang aso nang may nakitang tao. (Ang pandiwa ay tumahol at ang aktor naman ay ang aso).
2. Gamit ng Pandiwa bilang Karanasan
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan, damdamin o emosyon. Sa ganitong sitwasyon, may nakararanas ng damdamin o saloobing inihudyat ng pandiwa.
Mga Halimbawa:
- Nainis si Aling Puringy sa inasal ng kanyang anak.
- Nagulat ang mga mag-aaral sa biglaang pagsusulit na ibinigay ng kanilang Titser.
- Nagalak si Candy sa bago nyang sapatos.
3. Gamit ng Pandiwa bilang Pangyayari
Ito ay resulta ng pangyayari. Maaaring may mga ekspresyon ng sanhi at bunga. Sinasalamin at inilalarawan ng mga pandiwang ito na sa bawat aksiyon na nangyayari ay may kaakibat na reaksyon na maaaring mangyayari.
Mga Halimbawa:
- Naglayas si Lovi dahil sa pagmamalupit ng kanyang ina.
- Naglupasay si Regie dahil sa narinig na balita.
- Tumakbo ng mabilis si Larry kaya siya ay nadapa.
Basahin:
Comments are closed.