– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mag detalye ukol sa Impormal na Sektor. Tara na’t ating palawakin ang ating kaalaman. Simulan na natin!
Ano nga ba ang Impormal na Sektor?
– Ang impormal na sektor ay bahagi ng sistemang pangkalakalan ng isang bansa. Sila’y hindi kasama sa pagsukat ng ekonomiya ng bansa dahil sila ang mga tawag sa sa mga industriya na hindi nakarehistro sa gobyerno. Kabilang dito ang mga negosyante na walang mga opisyal na dokumento ng kanilang negosyo.
Ito rin ay tiinatawag na underground economy na bahagi ng isang ekonomiya na hindi taxed sinusubaybayan sa pamamagitan ng anumang paraan ng pamahalaan o kasama sa anumang gross pambansang produkto (GNP) hindi katulad sa pormal na ekonomiya.
Makikita rin sa impormal na sektor ang mga maliliit na tiyange na kadalasan ay makikita sa loob ng mga barangay. Isa rin sa mga halimbawa ng impormal na sektor ay ang mga naglalako ng mga gamit sa bahay at mga personal na gamit ng walang pahintulot na ipatakbo ang negosyo.
Bukod dito, ang mga illegalista o illegal na ekonomiya ay halimbawa rin ng sektor na ito. Ating makikita dito ang mga kasama sa “buy and sell” na nagbebenta ng produktong galing sa ibang bansa na hindi dumaan sa customs ang papeles. Kasama na rin dito ang mga nagbebenta ng mga produkto na “back door” dahil hindi dumaan sa pagsusuri ng custom at hindi nalagyan ng tax.
Kagandahan na dulot ng Impormal na Sektor
– Ilan sa kagandahan na dulot ng pagkakaroon ng mga sektor na impormal ay ang kabawasan ng mga walang hanap buhay, pagbaba ng bilang ng krimen lalo na ang pagnanakaw at higit sa lahat ay pag-unlad ng mga naghihirap na madalas nagiging pasanin ng ating gobyerno.
Kahalagahan ng Impormal na Sektor
- Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi nakapasok bilang mga regular na empleyado saisang kompanya
- Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay
- Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan
- Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan
- Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang halaga
Negatibong Epekto ng Sektor na Impormal
Pagbaba ng halaga ng nalilikom na BUWIS– Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.
– Unang matatamaan sa ganitong kalakalan ay ang kaban ng bayan. Dahil sa walang kaukulang mga dokumento ang negosyo ng mga sektor na impormal, wala ring magagamit na sukatan kung magkano ang dapat nilang bayaran sa pamahalaan.
Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Ang mga MAMIMILING tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan.
Karamihan din sa mga konsyumer ay tinatangkilik ang mga produkto at serbisyo ng mga sektor na impormal. Kadalasan kasi na mababa ang kanilang presyo. Hindi kasi dumadaan sa inspeksiyon ang karamihan sa kanilang mga produkto at wala itong pahintulot mula sa merkado.
Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang MABILISAN, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa mga gawaing ilegal o labag sa batas.
Ang mga iba dito ay mga kontrabando na lihim na nakakapasok sa ating bansa. Ang ganitong sistema ng kalakalan ay lubos na nakakabahala hindi lamang sa aspetong pang ekonomiya bagkus ay sa usapin din ng kalusugan ng mga mamimili.
Dahilan ng Impormal na Sektor
- Makaligtas sa pag babayad ng buwis sa pamahalaan
- Kawalan ng regulasyon mula sa PAMAHALAAN na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos
- Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan
- MALABANAN ang matinding kahirapan.