– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan ng Pagsunod sa panuto. Tara na’t sabay sabay nating alamin!
Bago natin talakaying ang kahalagahan sa pagsunod nito, atin munang balikan ang kahulugan ng Panuto.
Ano nga ba ang Panuto?
– Ito ay ay nangangahulugang mga tagubilin, gabay o direksyon sa pagsasagawa ng mga gawain. Ito ay kailangang sundin upang maging tama, tiyak at maayos ang mga gagawin at nakatutulong din ito sa mas mabilis na paggawa.
Bakit nga ba mahalaga ng sundin ito?
– Ang pagsunod sa panuto ay napakahalaga. Upang lubusang makasunod sa panuto, kailangang unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat salitang ginagamit dito. Ito ay nagpapatunay ng inyong pang-unawa sa binabasa. Maraming pagkakamali at gulo ang bunga ng hindi pagsunod sa mga panuto.