– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang konseptong papel. Tara na’t ating palawakin ang ating kaisipan ukol sa paksang ito. Simulan na natin!
Ano nga ba ang Konseptong Papel?
– Ang isang konseptong papel ay nagsisilbing proposal na kailangan ihanda para mapagsimulan ang isang pananaliksik. Kadalasan ito ay ginagawa bago talakayin ang isang akademikong sulatin. Ito rin ay nagpapakita ng isang kabuuan ng ideya na ang basehan ay isang framework o balangkas ng paksang bubuuin para sa pananaliksik.