– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Nasyonalismo. Atin nang palawakin ang ating kaisipan ukol sa paksang ito. Tara na’t simulan na natin!
Ano nga ba ang Nasyonalismo?
– Ang Nasyonalismo ay ang pagiging mabuting mamamayan ng isang tao sa bayang sinilangan. Ito ay isa sa mga katangiang dapat taglayin ng bawat isa upang maipakita ang pagmamalaki at pagmamahal sa lupang tinubuan ng buong puso. Pagtangkilik at pagpapahalaga ang kailangan ng isang bansa sa mamamayan nito. Ito rin ay isang kamalayan sa kanyang laki na nanggaling sa pagkakaroon ng isang wika, kultura, ralihiyon, kasaysayan at pagpapahalaga.