Lantay (Kahulugan at Halimbawa)

– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang ukol sa Lantay. Aalamin natin kung ano nga ba ang kahulugan nito at mayroon ring mga halimbawa upang mas maunawaan natin ito. Tara na’t ating simulan!

Ano nga ba ang Lantay?

– Ito ay isang kaantasan ng pang-uri na naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari. Ito ay walang pagkukumpara o paghahambing sa iba pang paksa. Isa lamang ang kaniyang inilalarawan sa loob ng isang pangungusap.

Halimbawa:

  1. Si Kathryn at Daniel ay ilan lamang sa mga magagaling na artista sa henerasyon ngayon
  2. Si Rana ay may mahabang pasensya
  3. Si Walter ay mapagbigay

Sa mga halimbawang ito, isang paksa lamang ang tinutukoy ng lantay at hindi na ikinumpara pa sa ibang bagay. Ang bigat nito ay lapat lamang o nakasasapat lamang, hindi tulad ng iba na dinadagdagan ng “mas” o “pinaka”. Isa ito sa parte ng wika na maaaring magbigay bigat sa kung ano ang mas nakatataas na isang bagay o mas nakabababa. Ang lantay ay isang pang uri na simpleng inilalarawan ang pangngalan.