– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang Paglalahad ng Suliranin. Tara na’t palawakin natin ang ating kaisipan ukol dito. Simulan na natin!
Ano nga ba ito?
Ito ay isang importanteng bahagi ng pananaliksik kung saan sa bahaging ito ang nagbibigay ng sentro o pokus sa sa isang pag-aaral. Ito ay naglalarawan sa isang issue na kasalukuyang nangyayaring isyu na dapat matugunan sa pamamagitan ng pananaliksik. Sa bahagi ding ito ay inilalahad ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus sa suliranin. Dito rin nakikita ang mga suliranin sa pamamagitan ng anyong patanong.
Ang paglalahad ng suliranin ay ang pinakasentro ng pananaliksik. Dito nagsisimula ang lahat ng mga katanungan na dapat masagot sa kabanata apat ng pananaliksik.
Halimbawa:
PAMAGAT: ANG BAON AT ANG GRADO NG MAG-AARAL NG GRADE II NG MATAPANG ELEMENTARY SCHOOL
- Ano ang naglalarawan sa grado ng mga mag-aaral.
- Ano ang naglalarawan ng baon ng baon ng mag-aaral.
- Ano ang koneksyon ng baon at grado.