Uri ng Panghalip at mga Halimbawa nito

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap.

Ang Panghalip sa Ingles ay tinatawag na pronoun. Ito ay ginagamit panghalili or pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.

Uri ng Panghalip

1.  Panghalip na Panao

– mula sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. (ako, akin, amin, kami, atb.)

Ang Panghalip na Panao ay may isahan, dalawahan at maraming anyo.

PanauhanPanauhanPanauhan
Kailanan (Anyo)Una Ikalawa Ikatlo
Isahanako, ko, akinikaw, ka mo, iyosiya, niya, kanya
Dalawahankata, kita
MaramihanTayo, Kami, amin, atin, natinkayo, inyo, ninyosila, nila, kanila


HALIMBAWA;

Si Tatay Eli at Lloyd ay papunta sa palengke.
Sila ay papunta sa palengke.
Ang magsasaka na ang bahala diyan.
Siya na ang bahala diyan.
Ako at ang kaibigan kong si Toto ay magbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyo.
Kami ay bibili ng mga pagkain at magbibigay ng mga lumang damit.

2. Panghalip na Pananong

– mula sa salitang “tanong”, kaya’t may pakahulugang “pantanong”. Pinaghahalili sa pangngalan sa paraang patanong. (sino, ilan, ano-ano, sino-sino, atb.)

Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, pook, pangyayari, bagay, etc. Tinatawag itong interrogative pronoun sa Ingles.

Narito ang panghalip na Pananong at ang Pangngalang pinapalitan ng bawat isa.

  • Saan-Lugar
  • Sino- tao
  • Kanino/nino-tao
  • Ano-bagay
  • Alin-bagay na may pagpipiliian

Ang panghalip na pananong ay may kailanang isahan at maramihan. Nabubuo ang maramihan sa isang panghalip na pananong sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita o ng unang dalawang pantig.
HALIMBAWA:

IsahanMaramihan
AnoAno-ano
Sino Sino-sino
IlanIlan-ilan
AlinAlin-alin
KaninoKani-kanino
  • Sino ang kumuha ng aking pera sa wallet?
  • Ano ang mga natutunan mo sa eskwelahan?
  • Kanino ko ibibigay ang napulot kong pera?
  • Ilan ang iyong anak?

3. Panghalip na Panaklaw

– mula sa salitang “saklaw”, kaya’t may pahiwatig na “pangsaklaw” o “pangsakop”. Literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak. (lahat, sinuman , alinman, anuman, atb.)

Ang panghalip na panaklaw ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay na nasasaklaw ng kilos.

HALIMBAWA:

  • Lahat ng sakit ay titiisin mo.
  • Alinman sa mga natanggap kong regalo ay maganda.
  • Lahat ay manonood ng laban ni Pasquiao bukas.
  • Sinuman sa kanila ay karapat-dapat na manalo.

4. Panghalip na Pamatlig

– ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na tinuturo o inihihimaton. (ito, iyon, iyan, doon,diyan, niyan, atb)

Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita. Sa Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun.
HALIMBAWA:

  • ​ Ito ang aking kaibigang si Julius.
  • Dito kame kinasal ni Leni.
  • Kunin mo iyan.
  • Diyan tayo maglalaro ng basketball bukas.​

5. Panghalip na Pamanggit

Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita. Sa Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun.

Mga Halimbawa:

  • na
  • ng

Ang babae na nagwala ay aking kapitbahay.
Ang pangil ng leon ay matatalas.