– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang layunin ng ASEAN. Atin ding malalaman ang iba pang karagdagang impormasyon ukol dito. Tara na’t saby sabay nating pag aralan at palawakin ang ating kaalaman ukol dito. Simulan na natin!
Bago natin pag usapan ang layunin nito, atin munang alamin kung ano nga ba ang ASEAN.
Ano nga ba ito?
– Ang ASEAN o tinatawag na Association of South East Asian Nations ay ay may sampung (10) kasapi. Ito ay: Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Taylandiya, at Vietnam. Ito ay isang panrehiyong pagpapangkat na nagtataguyod ng pakikipagtulungan sa ekonomiya, pulitika, at seguridad sa mga bansang kasapi.
Ano nga ba ang layunin ng ASEAN?
– Ito ay naglalayong magkaroon ng kapayapaan, katatagan, at kasaganahan sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pag-unlad at pagkakaroon ng komunidad na mapagkalinga sa lipunan. Naglalayon din itong mapalago ang ekonomiya at kultura ng bawat na kasanib na bansa at magkaroon ng pang rehiyong pagkakaisa sa pamamagitan ng paggalang sa kanya-kanyang batas at pagsunnod sa mga palatuntunin ng United Nations. Tuwing may sakuna, nagkakaloob din ang mga bansang tumulong sa isa’t isa. Nagbabahagi rin sila ng mga kaalaman ukol sa larangan ng ekonomiya, agham, edukasyon, pananaliksik at marami pang ibang bagay na puwedeng pag aralan. Sila rin ay nagtutulungan sa aspeto ng agrikultura, paglawak ng kalakalan at pagpapabuti ng mga pasilidad sa transportasyon at komunikasyon upang mapabuti ang buhay ng kani kanilang nasasakupan.