– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng Mitolohiya. Tara na’t mas palawakin natin ang ating mga kaisipan ukol sa paksang ito. Simulan na natin!
Ano nga ba ang Mitolohiya?
– Ito ay isang koleksyon ng mga alamat o kuwento tungkol sa isang partikular na tao, kultura, relihiyon, o anumang grupo na may mga ibinahaging paniniwala. Ang mga kuwentong ito ay tungkol sa mga lumang panahon, madalas na nagtatampok ng mga sobrenatural na mga character, at mga alamat na may kaugnayan sa bawat isa. Ang mga mitolohiyang Griyego ay puno ng mga kwento tungkol sa mga ugnayan sa pagitan ng mga diyos at mga tao. Sinasabi na ang Kristiyanong mitolohiya ay ang kuwento tungkol sa paglikha ng Diyos sa Lupa.